Thursday, May 03, 2007
Bawal ang Senglot
Farewell party last April 25. From 6pm-6am. 21 lang yata kami out of 38. Di ko na kailangan pa ikwento na detailed ung mga nangyari, pagod nko magkwento eh. Saka matagal na, di na bago pa. Kumbaga lumipas na. Yung iba nalang..
Muntik pa nga ko maubusan ng pagkain non. Saka nung bumili ng rh para dagdag, si Rishard Molas -- imbis na ung mga bote yung dalin, liempo ung dinala. Si Rouen kinalimutan yung bote. Si Harfy gusto umihi sa kalsada. Si Ako nagsuka pati natakot din sa palaka na binato ni Miki. Kmusta naman yun!? Sabay si Kahoi, nilagyan ng yosi kasi nakanganga matulog, sabay may amats pa. Si Luteng nagalit kasi lakas ni Baboy mantrip, kumanta pa nung madaling araw. Si Mam nagising. Si Ouen, umiyak nung nalasing na. Si Babagomz at Papay, himalang nag-overnyt, cards paren ang dala-dala. Si Jalene lakas magbisyo --isama narin si Ange at Mai. Si abLed friend, Ju-an, Rhea at Mat'us umuwi ng maaga. Si Mikitot lakas tama. Si Jairu natutulog sa slide. Si Talong yung nagsundo saken. Si Dator lage kasama si Jalene.
Ayun lang. Tama na siguro yan. Sana lang kilala nyo sila. Ha-ha!
Ulikba -- Negrong Pulube..
Negro. Nagpunta kami sa Lucban, Quezon last Saturday, April 28. Pumuntang Liliw, (dikolam kung anung place na yun) para mamili ng tsinelas. Dun daw magaganda saka product daw nila yun saka Tsinelas Festival pa nun. Sabay naghanap narin ng resort para mag night swimming. Daming nakita, pero pang motel naman. Sus! Umabot kami dun sa Calamba. AT san ka naman nakakita ng taong naghahanap ng hotspring e napakainit na nga ng panahon!? Ayon, dun kami sa hotspring nakarating. Eh halos masunog na nga yung balat ko habang nasa byahe, magsiswim pa ko!? Sila nalang. Matutulog ako.
Pulube. Yun yon, sinasabi kong wala akong pera. Kasalukuyang p50 nalang ang pera ko dito at marami pa kong dapat bilhin pati asikasuhin pati puntahan. Nagtrabaho ako, 100 per day. Sabi ko kasi ok lang basta may pera, basta meron ok na. Sabay ngayon, wala parin akong sweldo. Namumulubi nko. Buti nalang maraming pagkain dito. Di ako ginugutom. :)
Mara?
Di ko na kilala ang sarili ko. Nawawalan ako ng control. Pati di ko maintindihan yung ginagawa ko. Naapektuhan ako ng mga problema ko. Kahit saan, problema. Hindi ko alam kasi kung saan ako magsisimula. Kung ano ang uunahin ko. Lahat naman yun, puro wala akong magagawa kundi ang MAGHINTAY. Punyeta puro paghihintay ah, napansin ko lang.
Aja aja! May 2, 2007
Kagabi lang, umiiyak ako. Sobrang feeling ko binagsakan ako ng maraming problema ngayon. Ito yung pinakamatinding challenge na naranasan ko so far. And yes, lahat ng ito, isang challenge para saken. Yan ako. Ayokong pinanghihinaan ako ng loob So naisipan kong magpray. Di ko narin matandaan kung kelan ako huling nagdasal bukod sa dasal namin sa school. Hindi ko rin akalain na ito lang pala talaga ang magagawa ko.
..so I asked for God's help and guidance. Eto yung time na to inisip ko na masyado nang nalalayo yung loob ko sa Kanya. Kasi sobrang ang saya nung mga nagdaang araw, nakalimutan kong magpasalamat sa goodness Nya. Siguro isa to sa mga plano Nya para sakin. Siguro..
Ayon, sa kabila ng lahat, magiging matatag ako.
Sabi ng isang dating classmate, SMILE lang palagi.^^
AT sabi ng isang bagong kaibigan, Kaya ko 'to. :)
AT sabi ng isang bagong kaibigan, Kaya ko 'to. :)
May THREE!!
May3 ngayon, alam nyo ba kung anung araw toh!? ito yung araw na sobrang.. shet!
FLASHBACKS:
Pumunta ako sa bahay nila ng umaga, kabado. Sabay pagdating dun, nag-explain si loko. Todo iyak naman ang gaga Ako yun! First time kong umiyak sa harapan ng isang lalake. Di ko makakalimutan, at hindi rin nya makakalimutan. Panget daw ng itchura ko nun. ha-ha! Sabay dating ng tropa nya. Sabay punta namin sa perpz -- na namumugto ang mga mata ko. Kmusta naman yun!
Nung inalala namin, nattawa nalang ako. Yun, di ko makakalimutan kase may promise na nabuo. Pero ewan ko. Sana totoo, sana matupad. Pero.. EWAN. Nagagalit ako kasi panloloko yun eh. Yung ginawa nya. Pero dko lam. Ewan. Masyado ata kong mabait.. Haynaku..
Napraning noong 12:49 AM
Tuesday, April 24, 2007
Di na ko everyday nagbblog. Hay. Nahihirapan kasi ako mag sign in sa blogger. tsk Ginagawa ko nalang, nakalagay sa notepad yung posts ko tapos nagiging ganito:
Zzz..???
Damn! Ilang araw nakong napupuyat kakaisip dun sa taong yun. Ewan ba.. kada dumadating yung time na matutulog na, lagi ako nasasad kasi pumapasok sa isip ko yung mga ngyari. Takte.. Di ko talaga lam kung bakit dko sya matanggal sa sistema ko.. I mean, di ko magawa yung mga normal kong ginagawa pag wala sya kasi lagi ko syang naiisip. Sabi nya Keep myself busy daw. Ewan// Panu nga ba maging busy ehh walang klase, walang tasks na gagawin tapos wala pang tropa. Aywan!!
I don't like your girlfriend
Wala lang hehehe! Nakakarelate ako saka ano.. saka lagi kong kinakanta hehehe. kanina pa, di mawala sa isip ko :)
Duh dah mub II
Di na ko pinayagang sumayaw ng dad ko. Gabi na daw kasi ang praktis namen, sabay malayo pa. Kaya nahinto yung pagpapraktis namen para dun sa dance contest na yun..
Tapos ngayon, eto nanaman sila. Pwede na kasi kahit ilang members. Putekyan.. naeengganyo ako, naiinggit. Kasi sila sumasayaw eh, ako nakikitingin lang. Buti pa sila.. Ganda pa naman ng steps namin. Tapos nakakainggit din yung mga kwento nila, mga sidetrip nila habang praktis. Pati nakakamis yung tawanan habang praktis.. haAy. Di talaga pwede, kilangan sumunod sa aking father..kundi.. patay nanaman ako.
I just got rid of it, I think.. - April 22, 2007
Last week lang nung na-click ng isang kasambahay yung link ng virus -- and then biglang naging "quicknews" na yung homepage ko tapos may mga link na lumalabas habang nagwa-YM ako. Kainis..! Tapos nung hini-heal ko, bumabalik paren. Nung dinisable ko yung system blah..blah.. wala paren.. May sinend sakin na link yung former classmate ko (Bulldog Paje), tapos kinlick ko --sabi kasi nya epektib daw sa PC nila yun--.. wala paren. Nainis nko lalo kaya hinayaan ko. TT
Ayon, ngayon lang ako ginanahan na i-kill yun. And I think.. nawala na sya.SANA Buti nalang magaling ako.Bwahaha jke!
Gutom. Pagod. Puyat.. Gulo. - April 23, 2007

2am ng madaling araw, gising na gising pa ko. Gutom eh. E di kumain ako, tapos.. Imbes na makatulog, nagising pa dugo ko. Nung nag 5am, gising pa ko. Pagdating ng 7am naligo ako. Pinagalitan ako kasi matetepok daw ako agad nun. After ko maligo, napapunta ako sa bahay ng isang kaibigan. Hindi pa ko nakatulog sa place nila. Tapos hapon na ko umuwi..e di pagod ako sa byahe. Bale 4:13pm na ngayon, wala paren akong tulog. Masakit na mata ko. Shet.
Napraning noong 10:13 AM

